-- Advertisements --
Nagkasundo ang US at European Union na bawasan ang paghihigpit sa mga inaangkat na mga bakuna laban sa COVID-19.
Sa nasabing paraan aniya ay mas mapapabilis ang pagpapabakuna ng mga bansa.
Gayundin mahalaga ang voluntary sharing ng teknolohiya sa bawat bansa.
Sa US-EU summit sa Brussel ay nakatakda ring magsagawa ng joint taskforce ang dalawang bansa para mapalakas ang drug production laban sa COVID-19 at ang pagpapaigting ng vaccination.
Sa nasabing task force ay mapapanatiling bukas at ligtas ang supply chains para maiwasan ang ibang aberya.