-- Advertisements --
Bumili ng karagdagang 300 million na COVID-19 vaccine ang European Union mula sa US pharmaceutical company na Moderna.
Ayon kay European Commission chief Ursula von der Leyen na isang magandang balita ito para sa kanilang mga miyembro.
Target kasi ng EU na mabakunahan ang nasa 70 percent ng mga may edad hanggang sa buwan ng Setyembre.
Nauna rito naglunsad sila ng programa para sa pag-aaral ng COVID-19 variants at para makagawa sila ng “second generation” na bakuna.
Tinawag nila itong “HERA incubator” program na humihimok sa mga pharmaceutical industries, laboratories, health authorities at mga researchers.