Nominado bilang pinuno ng European Union si Ursula von der Leyen.
Ito ay matapos na nagkasundo ang mga liders ng European Union para ikalawang limang-taon na termino ni von der Leyen.
Kasama rin na binoto sa halalan na ginanap sa Brussels si Estonian Prime Minister Kaja Kallas bilang susunod na foreign affairs chief at si dating Portuguese Prime Minister António Costa bilang susunod na chairman ng EU summits.
Ang tatlong kandidato ay mula sa centrist , pro-EU factions kung saan si von der Leyen ay mula sa centre-right ng Germany, socialist naman si Mr. Costa at liberal naman si Ms. Kallas.
Kailangan lamang ni von der Leyen ng 361 na boto para makuha niya ang ikalawang termino laban sa katunggali nitong si Prime Minister, Giorgia Meloni ng Italy.