-- Advertisements --
Iminungkahi ni European Council President Donald Tusk na dapat ikonsidera ng EU ang pagpapalawig ng Brexit o pagkalas ng United Kingdom sa kanila ng isang taon.
Sinabi nito na hindi kapani-paniwala na maaaprubahan na ang Brexit extension na hirit ni UK Prime Minister Theresa May.
Pagbobotohan pa bukas ng mga European Union (EU) members ang proposal ng British Prime Minister sa gagawin nilang summit na magsisimula ngayong araw.
Magugunitang inindorso na rin ng mga mambabatas ng UK ang request ni May sa European Union na palawigin hanggang Hunyo 30 ang nasabing extension.