-- Advertisements --
Handang magpatupad ang European Union (EU) ng counter-measures matapos ang pagpataw na mataas na taripa si US President Donald Trump.
Sinabi ni European Commission President Ursula von der Leyen, na ito ang naging kasunduan nila ng ilang mga lider ng Europa.
Sa kaniyang pakikipag-usap kay United Kingdom Prime Minister Keir Starmer, na dapat ay ituloy nila ang pakikipag-usap sa US ukol sa nasabing taripa.
Magugunitang maraming bansa ang gumanti rin at nagpataw ng mataas na taripa sa mga produkto na galing ng US.