-- Advertisements --

Pinuri ng European Union in the Philippines ang ipinapakitang katatagan at katapangan ng mga Pilipino sa kabila ng pananalasa ni Bagyong Rolly sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of National Defense (DND) ay aabot na ng 10 ang naitalang patay mula sa Bicol Region at halos 390,000 naman ang inilikas.

Dahil dito ay nagpahayag ang Delegation of the European Union ng kanilang kahandaan na tulungan ang bansa sa mga hakbang nito upang makabangon mula sa bagyo.

Naka-standby lang aniya ang Civil Protection at Humanitarian aid sa kung ano mang tulong ang kakailanganin ng mga napinsalang lugar.