-- Advertisements --

Hinimok ng European Union (EU) ang pharmaceutical firm AstraZeneca na dagdagan pa ang kanilang suplay ng COVID-19 vaccine.

Ito ay may kaugnayan sa napabalitang may nangyayaring “shortage” sa mga bakuna.

Isinisi naman ng kompaniya ang nangyaring problema sa kanilang produksiyon kung kaya’t naging mahina ang kanilang suplay.

Covid VACCINE ASTRAZENECA
Lab testing by drugmaker AstraZeneca

Nakatanggap naman ng mga pagpuna ang EU dahil sa mabagal na rollout nito ng vaccinations.

Sinabi naman ni Health Commissioner Stella Kyriakides na ang EU ay nananatiling “nagkakaisa at matatag” at kanilang binabantayan ang “patuloy na kakulangan ng kalinawan sa iskedyul ng delivery ng mga bakuna.

Aniya, makikipagtulungan sila sa kumpanya upang makahanap ng solusyon at mabilis na maihatid ang mga bakuna para sa mga mamamayan ng EU.

Napag-alaman na kahit ang Pfizer/BioNtech na siyang may pinakamalaking vaccine-production deal ng EU ay nakaranas din ng mga pagkaantala.

Nauna nang nagbabala ang European Union na kanilang hihigpitan ang exportation ng COVID-19 vaccine na AstraZeneca matapos inanunsiyo ng kompaniya na hindi na nila maabot ang kanilang target supply dahil sa naranasang production problems.