-- Advertisements --
boris johnson 2
United Kingdom Prime Minister Boris Johnson faces Members of the Parliament as he introduced new proposal for Brexit deal.

Bukas umano ang European Union sa bagong inihain na proposal ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa katatapos lamang na muling pagharap nito sa Members of the Parliament.

Isa si Donald Tusk sa mga nanguna para sa hanay ng EU upang ipahayag ang kanilang pagdadalawang isip sa ginawang withdrawal agreement plan ni Johnson.

Sa naturang plano, mananatili ang Northern Ireland sa single market for goods ng EU ngunit tatanggalin ito mula sa customs union.

Ayon kay Irish Prime Minister Leo Varadkar, kinapos umano ang UK na maabot ang napagkasunduang objectives sa backstop.

Kasunod ito ng nakatakdang pakikipagpulong ni Europe adviser David Frost sa Brussels.

Sinabi naman ni EU’s chief negotiator Michel Barnier sa ilang European diplomats na marami pa rin itong kuwestiyon ukol sa proposal ng Britanya na palitang ang backstop.