-- Advertisements --

Hiniling ng European Union (EU) na dapat hindi sumailalim sa COVID-19 quarantine ang mga fully vaccinated na mga mamamayan mula sa sakop nilang bansa.

Ipinanukala ito ilang linggo bago ang inaasahang pagpasa ng Digital EU Covid Certificate para sa mga member states nila.

Sinabi ni European Justice Commissioner Didier Reynders na patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Europe dahil sa matagumpay na vaccination program nila.

Maraming bansa na rin aniya ang nagsimula ng luwagan ang kanilang travel restrictions.

Hinikayat din nila ang mga bansa na magsimula ng magbigay at tumanggap ng mga COVID certificates para sa lahat ng mga EU countries.