-- Advertisements --
Inakusahan ng European Commission (EU) si Belarus leader Alexander Lukashenko ng maling pag-aakit sa mga migrants para sila ay agad na makapasok sa border ng Belarus at Poland.
Sinabi ni Commission spokesman Peter Stano na pagdating ng mga migrants sa border ay agad silang itinutulak para makapasok sa nasabing mga bansa.
Mariing pinabulaanan naman ni Lukashenko ang nasabing alegasyon.
Napansin din kasi ng EU at Nato members na Poland, Lithuania at Latvia na tumaas ang bilangng mga migrants na galing sa Belarus.
Nauna ng nagpakalat ng mga sundalo ang Poland para mapigilan ang mga migrants na sinisira ang mga border fence para sila ay mapasok sa nasabing bansa.