-- Advertisements --
Donald Tusk
EU President Donald Tusk/ Twitter Image

Inakusahan ni European Council President Donald Tusk si United Kingdom Prime MInister Boris Johnson na tila naglalaro lamang sa nabibilang na araw ng Brexit.

Sa kaniyang Tweet sinabi ni Tusk na tila naglalaro ng blame game kung saan hawak nito ang kinabukasan ng Europe at UK.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng tila nagpapahiwatig si Johnson na walang kasunduan ang naabot.

Lumabas kasi sa ilang mamamahayag ng UK na imposible ng magkaroon ng Brexit deal.

Magkakaroon muli ng summit ang mga EU leaders sa October 17 at 18 kung saan nauubos na ang oras ng dalawang partido para maplantsa ang bagong deal sa nalalapit na Brexit deadline sa Oktubre 31.

Sakaling hindi makakuha ng kasunduan hanggang October 19 ang Prime Minister ay obligado ito na nakasaad sa batas na kumuha ng bagong extension para sa Brexit process subalit nanindigan si Johnson na makakaalis ang UK sa European Union sa Oktubre 31.