Nagkasundo na ang mga European leaders sa pagbuo ng $858 billion recovery fund para muling buhayin ang European economies na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Hihiram ang European Commission sa financial markets at ipapamahagi ang kalahati nito bilang grants sa mga EU states na lubhang nasalanta ng pandemic.
Habang ang natitira ay kanilang ipapautang.
Nagkasundo rin ang mga ito ng bagong EU budget na aabot sa halos $1.3 trillion para sa taong 2021-2027.
Nakatuon aniya ang nasabing pagpondo sa tatlong hanay, pagtulong sa mga negosyo na muling makabangon mula sa pandemic, pagpatupad ng bagong paraan para sa reporma ng ekonomiya at pag-invest para sa pagprotekta laban sa bagong krisis.
Labis naman na ikinatuwa ni European Council President Charles Michel ang nasabing tagumpay nito ng European Union.