Inilatag ng European Union (EU) ang mga panukala para sa mga bagong parusa laban sa Russia kabilang na ang pagbabawal sa pag-import ng langis ng Russia sa pagtatapos ng taong ito.
Ang nasabing plano ay nangangailangan ng pag-apruba ng mga member states – kasama rin ang mga parusa sa mga indibidwal, kabilang ang pinuno ng Orthodox Church ng Russia.
Ang pangulo ng European Commission na si Ursula von der Leyen ay nagbigay ng mga detalye sa European Parliament ng ikaanim na package ng mga parusa na nagta-target sa ekonomiya ng Russia, militar at propaganda nito.
Sinabi niya na gusto ni President Vladimir Putin ng Russia na alisin ang Ukraine mula sa mapa ngunit hindi ito magtatagumpay at ang sarili niyang bansa ang lulubog.
Nagbabala ito na sisiguraduhin nila na i-phase out na ang langis ng Russia sa maayos na paraan.