-- Advertisements --
Trump putus

Hinikayat ng European Union si President Donald Trump na pag-isipan ng mabuti ang kaniyang naging desisyon na putulin ang pagbibigay nito ng pondo para sa World Health Organization sa kabila ng coronavirus pandemic.

Nagbunsod ang desisyong ito ng American president dahil sa di-umano’y sa kakulangan ng hakbang ng UN agency para tugunan ang pandemic. Sinisi rin ni Trump ang WHO na kontrolado umano ito ng China.

Ayon kay European Commission President Ursula von der Leyen, dapat daw iwasan ang kahit anong hakbang na sisira sa samahan ng bawat bansa.

Aniya mas kinakailangan daw ng mga lider na magtulong-tulong at umisip ng solusyon para mapagtagumpayan ang krisis.

“The WHO needs to continue being able to lead the international response to pandemics, current, and future. For this, the participation and support of all is required and very much needed,”

Ang Estados Unidos ang may pinakamalaking tulong pinansyal na binibigay sa WHO kung kaya’t ang pagkalas nito ay inaasahan na magiging dahilan upang humina ang organisasyon.

Sa isinagawang press briefing ni Trump sa White House, sinabi nito na ang pondo na para sana sa nasabing organisasyon ay ipapamahagi na lamang sa iba’t ibang bansa na nangangailangan ng pera upang gamitin sa pagpapabuti ng kanilang health system.