Kakasuhan ng European Commission ang AstraZeneca dahil sa paglabag nito sa kontrata na hindi pag-deliver sa tamang oras ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa European Union na hindi nirespeto ng kumpanya ang ilang terms sa nasabing kontrata.
Wala rin aniyang ginawa ang kumpanya na paraan para matugunan ang nasabing mga problema.
Nais kasi nila na matiyak ang mabilis na pagdating ng mga bakuna para sa mga European citizens.
Sinabi naman ni EU health commissioner Stella Kyriakides na mahalaga ang bawat bakuna.
Nais kasi ng EU na matupad ang napagkasunduan na 300 milyon na bakuna mula noong pinirmahan ang kasunduan noong Agosto 2020 subalit nasa 100 milyon lamang naideliver.
Base rin sa usapan na nangako ang Anglo-Swedish company na maidedeliver ang 180 milyon doses ng bakuna sa EU pagdating ng second quarter ng na mayroong kabuuang 300 milyon mula Disyembre 2020 hanggang June 2021.
Sa panig naman ng AstraZeneca, tinawag nito na walang basehan ang kasong isinampa ng EU .