-- Advertisements --
Kinondina ng mga lider ng European Union ang muling pagsiklab ng kaguluhan sa Gaza.
Sa nagdaang tatlong araw ay inulang ng airstrikes ng Israel ang Gaza kung saan aabot na sa mahigit 500 na katao ang nasawi.
Ipinagtanggol ng Israel ang nasabing airstrike matapos na magmatigas ang Hamas na palayain ang mga hawak nilang bihag.
Nanawagan din ang EU na dapat ay agad na bumalik sa pagpapatupad ng cesefire deal lalo na ang pagpapalaya ng mga bihag.
Karamihan sa mga nasawing biktima ay mga sibilyan at mga bata kung saan una na rin itong binatikos ng mga iba’t-ibang world leaders.