-- Advertisements --

Kinondina ng European Union ang muling pagdukot ng mga Russian forces sa alkalde ng Ukraine.

Ang alkalde kasi ng Dniprorudne city sa Ukraine ay siyang pangalawang alkade na dinukot ng mga Russian forces.

Unang dinukot noong nakaraang linggo ang alkalde ng Melitopol dahil sa hindi umano ito nakikipagtulungan sa mga kalaban.

Ayon kay EU foreign policy chief Josep Borrel na isang uri ng pag-aatake sa democratic institutions ang ginagawang ito ng Russia.

Una ng kinondina ni European Council President Charles Michel ang walang humpay na pambobomba ng Russia sa iba’t-ibang bahagi ng Ukraine.