-- Advertisements --

Kinondina ng European Union ang pag-atake ng Israel sa convoy ng United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL).

Sinabi ni EU foreign policy chief Josep Borrell na hindi na tama na madadamay ang mga kasapi ng United Nations Peacekeepers.

Mahalaga aniya na iwasan na lamang ng Israel ang anumang pagdamay sa mga UN peacekeeping forces.

Una rito ay mayroong anim na Malaysian peacekeepers ang nasugatan dahil sa pag-atake ng Israel.

Magugunitang noon pang Setyembre 30 ay sinabihan na ng Israel ang UN peacekeepers na lisanin na ang Lebanon dahil sa mga matinding opensiba na kanilang ipinapatupad.