-- Advertisements --
Kinondina ng European Union ang ginawang cyber attacks ng Russia na target ang nalalapit na halalan sa Germany.
Isasagawa kasi ang halalan sa Setyembre 27 kung saan papalit kay kay Chancellor Angela Merkel.
Sinabi ni foreign policy chief Josep Borrell , na may mga malicious activities na napansin ang ilang mga EU member states.
Itinuturing umano nila ang mga ito bilang “Ghostwriter” na iniuugnay sa Russia.
Hinikayat nito ang Russian Federation na maging responsable sa cybersapce.
Ayon naman sa German intelligence na posibleng sinusubukan ng Russian hackers na pasukin ang mga private email accounts ng mga federal at regional Members of Parliaments.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang German federal prosecutors sa nasabing espoinage.