-- Advertisements --
Ikinagalit ng mga European Union leaders ang pagpapatupad na travel ban ni US President Donald Trump sa 26 na mga bansa Europa.
Inakusahan pa ng mga ito si Trump na nagdesisyon ng walang konsultasyon.
Sinabi nina EU official Ursula von der Leyen at Charles Michel, na ang COVID-19 ay pandemic at isang “global crisis”.
Ito ay nangangailangan ng cooperation kaysa unilateral action.
Magugunitang inihayag ni Trump ang travel ban na epektibo ngayong Biyernes.
Apektado lamang ito sa mga bansa na miyembro ng Schengen border-free travel area at hindi apektado ang US citizen, UK o Ireland.