-- Advertisements --

Nagkaisa ang European Union (EU) na payagan ng papasukin sa bansa ang mga naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Ang nasabing hakbang ay inirekomenda ng maraming miyembro ng EU para sa pagtanggal ng travel restrictions sa maraming bansa sa Europa.

Ilalabas din sa mga susunod na araw ang mga ligtas na destinasyon.

Umaasa ang mga opisyal ng EU na maaaring magbukas ang maraming bansa sa buwan ng Hunyo basta mailabas ang ilang mga panuntunan sa mga bumabiyahe.