Nangako ang European Union na magbibigay sila ng ilang bilyong dolyar na tulong sa Central Europe matapos masalanta ng matiding pagbaha.
Ayon kay European Commission President Ursula von der Leyen , na ang pondo para sa pagsasaayos ay agad na makukuha mula sa solidarity fund ng European Union.
Kasama na rin ang $11-Bilyon na tinatawag na cohesion fund para sa mga agarang pag-sasaayos.
Hindi na rin nila tatanggapin ang mga kontribusyon mula sa individual bloc countries.
Personal na binisita ni Von der Leyen ang mga lugar na binaha sa southeaster Poland kung saan nakausap niya ang mga lider ng Poland, Austria, Czech Republic at Slovakia.
Ang bagyong Boris ay nagdulot ng matinding pagbaha sa Romania at Poland na ito ang pinaka-grabeng pagbaha sa loob ng 20 taon.