-- Advertisements --

Nagkasundo ang European Union (EU) na magpatupad ng mas malawak na sanctions sa Belarus dahil sa mas lumalalim na krisis sa migrations.

Ilang libong mga katao kasi ang nananatili sa nagyeyelong border ng Belarus at Poland.

Target ng sanctions ang mga individuals na siyang nangangasiwa sa iligal border crossing sa EU.

Inakusahan kasi ng Poland at EU members ang Belarus na nanghihikayat sa mga katao na tumawid sa Polish border bilang ganti sa sanctions sa Minsk ang kapital ng Belarus.

Ito ay dahil sa nangyaring kaguluhan noong August 2020 elections kung saan nagwagi sa ikaanim na termino si longtime President Alexander Lukashenko.

Sinimulan na rin ng Iraq na tulungang makauwi ang kanilang mga mamamayan na naiipit sa border ng Belarus at Poland.