-- Advertisements --

Maglalaan ng European Union ng P1.1 bilyon na pondo bilang suporta sa Pilipinas para sa mapabuti ang pagkamit ng husitisya sa mga Filipino.

Kasunod ito sa paglunsad ng EU ng ikalawang yugto ng Justice Sector Reform Programme: Governance in Justice (GOJUST) na karugtong ng unang yugto na nagsimula noong 2016 hanggang 2020.

Sinabi ni EU Ambassador Luc Veron na ito na ang pinakamalaking investment nila katuwang ang Korte Suprema, Department of Justice at Department of Interior and Local Government.

Ayon pa sa EU delegations to the Philippine na ang GOJUST ay magbibigay ng mas malawak na serbisyo sa hustisya at mababawasan na rin ang mga backlogs sa mga korte.