-- Advertisements --

Inaprubahan ng European Union (EU) ang nasa P1.4 billion na grant bilang pagsuporta sa Bangsamoro autonomous region para sa recovery ng Marawi City sa Mindanao.

Ayon kay Departmenf Finance Secretary Carlos Dominguz, na bahagi lamang ito sa financing agreement na nakatuon sa recovery and rehabilitation sa Marawi City.

Habang ang iba ay nakalaan sa BARMM sa paglaban sa COVID-19.

Ang pangatlong grant ay para sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.

Noong nakaraang buwan ay pinalawig pa ng EU ang grants na nagkakahalaga ng 60.5 million Euros sa Pilpinas.

Sa kabuuan ay nasa mahigit P4.8-B na ang naibigay ng grants ng EU sa bansa ngayong taon.