-- Advertisements --
Inilabas na ng European Union (EU) ang listahan ng 14 na bansa na ligtas na makapasok sa kanilang bansa simula Hulyo 1.
Kabilang sa listahan ang Australia, Canada, Japan, Morocco at South Korea.
Hindi naman nakasama sa listahan ang US, Brazil at China dahi sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Binuksan na kasi ang EU border controls para sa mga EU citizens na bumabiyahe sa lugar.
Ibang pagtrato naman ang ipapatupad sa mga biyahero mula sa United Kingdom dahil sa ipinapatupad na Brexit negotations.
Parehas kasi ang pagtrato sa mga UK nationals sa EU citizens hanggang sa matapos ang Brexit transition sa Disyembre 31.