Bibigyan ng solusyon ni European Union president Ursula von der Leyen ang problema ng pagdami ng mga migrants sa Italy.
Kasunod ito sa kaniyang pagbisita sa Lampedusa island sa Italy, ang lugar kung saan tinutungo ng mga migrants.
Ang pagtungo ng EU chief ay kasunod ng paghingi ng tulong ng mga opisyal ng Italy dahil sa paglobo ng bilang ng mga migrants na mayroong mahigit 130,000 na mga migrants ang dumating.
Kasama nitong nag-ikot sa lugar si Italian Prime Minister Giorgia Meloni kung saan sinabi niya na dapat matiyak ng European Union na ang mga dumadating na migrants ay hindi ang mga sangkot sa smuggling at trafficking.
Ang nasabing isla kasi ay siyang unang pantalan na madadaanan ng mga tao na tumatawid mula north Africa patungo sa Europe.