-- Advertisements --
HK police
HK police/ HK website

Nanawagan ang European Union sa mga kapulisan at protesters sa Hong Kong na pigilan ang paglala ng tensyon sa nagaganap na kaguluhan.

Sa inilabas na pahayag EU spokesperson, na sa patuloy na kaguluhang nagaganap sa Hong Kong ay nararapat na iwasan ang anumang uri ng kaguluhan.

Nararapat aniya na agad na ipatupad ng kapulisan ang maximum tolerance.

Umaasa rin ang EU na magkaroon ng pag-uusap sa mga matataas na opisyal ng Hong Kong para matapos na ang kaguluhan.

Magugunitang nilusob ng mga protesters ang Hong Kong International Airport sa pangalawang araw kung saan nagbunsod sa pagkansela ng lahat ng mga flights.

Kinuyog din ng mga protesters ang undercover na pulis na agad namang inilabas ng mga paramedics.

Napapaligiran ng mga kapulisan na nakasuot ng full battle gear ang paliparan matapos na nagmatigas umalis ang mga protestes.