-- Advertisements --

Nagpasa ng bagong batas ang European Union parliament na nag-aatas ng paggamit ng USB-C single charger standard sa lahat ng mga bagong smartphones, tablest at camera pagdating ng 2024.

Mayroong 602 mambabatas ang sumang-ayon habang 13 naman ang kumontra.

Sa nasabing batas ay bibigyan ng hanggang 2026 ang mga laptop para gawing USB type C ang kanilang charger.

Umaasa ang mga mambabatas na makakatipid ang mga ito ng $195 milyon kada taon at makabawas ng ilang toneladang electronic waste kada taon.