Bibisita sa Pilipinas si European Commission President Ursula von der Leyen sa susunod na linggo ayon sa Palasyo Malacanang.
Ito ang kauna-unahang official visit ng top official sa loob ng halos anim na dekadang diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at EU.
Sa isang statement, sinabi ng Presidential Communications Office na nakatakdang bumisita ang EU president sa bansa mula sa araw ng Lunes, Hulyo 30 hanggang Agosto 1.
Ayon sa Malacanang, malugod ang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa nakatakdang pagbisita ng European leader sa bansa.
Ang pagbisita nito sa bansa ay kasunod na rin ng pagimbita ni PBBM kay Von der Leyen sa kanilang pagkikita sa Brussels sa idinaos noon na ASEAN-EU Commemorative Summit noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Positibo din ang Palasyo na ang official visit ng opisyal sa bansa ay magreresulta sa mas malalim pa na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at EU lalo na kasabay ng pagpapalakas ng kooperasyon sa ekonomiya, development, maritime, climate and environment, at digital connectivity.
Nakatakda ding makipagkita si Von der Leyen sa iba pang mga opisyal ng gobyerno, business at civic groups.
Sa panig naman ng EU, sinabi ni von der leyen na magkakaroon ito ng diskusyon kasama si PBBM kaugnay sa trade, investment at Global gateway cooperation.