-- Advertisements --
Nagkasundo na ang European Union (EU) leaders na pagbigyan ang hiling ni British Prime Minister Theresa May na palawigin ang proseso sa pagkalas nila.
Mismong si EU Council President Donald Tusk ang nagkumpirma kung saan pagbibigyan nila ang mga ito ng hanggang katapusan ng Oktubre.
Isinagawa ni Tusk ang anunsiyo matapos ang ginawang summit ng 27 EU leaders sa Brussels.
Dahil sa nasabing desisyon ay makikipagpulong si May sa mga EU leaders para pag-usapan ang nasabing Brexit extension.
Magugunitang sumulat si May sa EU matapos na makailang ulit na ibasura ng mga mambabatas ng United Kingdom ang kaniyang isinusulong na Brexit deal.