-- Advertisements --
Pumayag na ang European Union (EU) na palawigin pa hanggang Enero 31, 2020 ang Brexit.
Nangangahulugan ito na hindi pa kakalas ang UK sa EU sa katapusan ng Oktubre gaya ng naging unang plano.
Sinabi ni EU Council President Donald Tusk na ang “flextension” ay nangangahulugan na maaaring umalis ang UK bago pa man ang deadline at kapag mayroon ng kasunduan na inaprubahan ng mga Parliament.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng paghahanda ng MP sa pagboto sa proposals ni Boris Johnson para sa general elections sa darating na Disyembre 12.
Nakatakda sanang umalis na ang UK sa EU sa October 31 subalit kinailangan ni British PM Johnson na humiling ng extension matapos na hindi sumang-ayon ang parliyamento sa Brexit deal.