Nagpahayag ng paalala ang mga pinuno ng European Union para sa Britain na huwag itong aasa na makatatanggap ang nasabing bansa ng high quality access mula sa environment, labor, taxation at state market.
Ito ay kasunod ng inaabangang pagkalas ng United Kingdom sa European Union mamayang hatinggabi.
“Without being a member, you cannot retain the benefits of membership. Without the free movement of people, there can be no free movement of capital, goods and services,” saad nina European Council President Charles Michel, European President David Sassoli and European Commission President Ursula von der Leyen.
Simula bukas ay opisyal nang hindi parte ng EU ang Britanya at ituturing na lamang ito bilang isang third country ngunit dadaan muna ang nasabing bansa sa transition period hanggang December 2020.
Ang naturang transition period ay upang tuluyan nang yakapin ng mamamayan ng Britanya maging ng mga negosyo ang maliit na pagbabagong kahaharapin ng bansa.
Habang nasa transition period ay ipagpapatuloy ng Britanya ang paggamit sa mga batas ng EU ngunit hindi na ito kikilalanin bilang isa sa mga institusyon sa ilalim ng EU.
Kakailanganin din ng mga British diplomats sa Brussels na ibigay ang kanilang passes sa European Council.