-- Advertisements --
Sinang-ayunan ng European Union ang pagbubukas ng mga borders para muling mabuhay ang turismo.
Sinabi ni EU economic affairs commissioner Paolo Gentiloni, na mahalaga ang muling pagbuhay ng turismo basta may ipinapatupad na security measures at limitasyon.
Simula sa Biyernes ay magkakaroon ng random checks sa mga border crossing at sa Hunyo 15 ay magiging libre na paggalaw.
Nagpaalala din ang EU sa mga travellers ng United Kingdom na huwag asahan ang magarbong bakasyon dahil may mga ipinapatupad pa rin na 14-araw na quarantine sa mga galing sa iba’t-ibang bansa.