-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si European Union trade commissioner Phil Hogan dahi sa pagdalo niya sa isang kasiyahan na mayroong mahigit 80 katao.

Sinabi nito na dumalo siya sa nasabing golf event sa Galway na ikinagalit ng mga tag Irish.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kung hindi ba nasunod ang physical distancing sa nasabing dinner party.

Magugunitang nagbitiw sa kaniyang puwesto si Agriculture Minister Dara Calleary ng Ireland na dumalo rin sa parliamentary golf society event.