-- Advertisements --
Boris Johnson
Boris Johnson/ IG post

Walang nakikitang basehan ang European Union (EU) para sa makabuluhang pagtatalakay ng Brexit issue sa pagitan nila ng United Kingdom.

Sinabi ng isang negotiator na tila bumalik sila kagaya ng tatlong taon ang nakakaraan.

Inaasahan kasi na aalis ang UK sa EU hanggang Oktubre 31 may deal o walang deal.

Magugunitang mayroon ng planong inilatag si dating British Prime Minister Theresa May subalit ito ay ibinasura ng mga Members of Parliament ng tatlong beses.

Nandigan naman ang bagong British PM Boris Johnson na sila ay aalis sa EU kahit na walang kasunduan na natapos.