-- Advertisements --

Nakatuon na ngayon ang atensiyon ni Pinoy boxer Eumir Marcial sa Paris Olympics.

Ito ay matapos na patumbahin niya si Thoedsak Sinam ng Thailand sa kaniyang homecoming fight nitong Sabado.

Dahil sa panalo ay mayroon na itong limang pa nalo at wala pang talo na may tatlong knockouts sa kaniyang professional career record.

Ayon sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na makakasama na nila ang Tokyo bronze medalist boxer sa training camp ng national team sa US Olympic Training Center sa Denver, Colorado sa buwan ng Abril.

Matapos nito ay lilipat sila sa Thailand para sa training camp kung saan gaganpin doon ang huling Olympic qualifying tournament.

Magugunitang nagwagi si Marcial ng bronze medal sa Tokyo Olympics sa middleweight pero ngayon ay sa super-middleweight na o sa light-weight belt sa Paris Olympics sa buwan ng Agosto.