-- Advertisements --
Pasok na sa light-heavyweight quarterfinals ng 19th Asian Games si Pinoy boxer Eumir Marcial.
Ito ay matapos talunin niya sai Nguyen Mahn Cuong ng Vietnam.
Nagtala ang 27-anyos na si Marcial ng score na 5-0 kung saan napatumba niya sa ikalawang round ang Vietnamese boxer.
Nabigo naman ang isa pang Pinoy boxer na si John Marvin laban kay Jeong Jaemin ng Korea sa kanilang heavyweight fight.
Dahil dito ay mayroon na lamang dalawang boksingero ang bansa na may tsansa na makakuha ng medalya ito ay sa pamamagitan nina nia Marcial at si Carlo Paalam.