-- Advertisements --

Hindi pinaporma ni Filipino Olympic bronze medalist boxer Eumir Marcial si Argentinian boxer Ricardo Villalba.

Ito ay matapos na mapatumba ni Marcial si Villalba sa loob ng dalawang round sa laban na ginanap sa Alamodome sa San Antonion, Texas.

Sa simula ng round ay pinaulanan na ng 27-anyos na Pinoy boxer ng mga suntok ang kalaban hanggang tuluyang mapatumba nito sa pagpasok ng ikalawang round.

Mayroon na ngayong apat na panalo at wala pang talo na mayroong dalawang knockout habang si Villalba ay mayroong 20 panalo, walong talo at isang draw na mayroong walong knockouts.