-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagpapadagdag na timbang ni Pinoy boxer Eumir Marcial para sa kaniyang pagsabak sa Paris Olympics.

Ilan sa mga ginagawa nito ay ang pagdagdag ng muscle dahil maliit ito para sa kaniyang weight class na 80 kgs.

Matapos kasi ang matagumpay na panalo nito kay Thoedsak Sinam ng Thailand noong Marso 23 sa Ninoy Aquino Stadium ay agad ito ng sumabak sa training sa Baguio City kasama ang ilang mga boksingero ng bansa.

Magtutungo naman ang mga boksingero na pambato ng bansa sa Olympic training cente sa Denver Colorado para doon ipagpatuloy ang mga pagsasanay na ito ay kinabibilangan nina silve medalist Nesthy Petecio, Aira Villegas at Rogen Ladon.