-- Advertisements --

Todo ngayon ang pagdarasal ng football leaders sa Europa na makabalik na ang laro sa buwan ng Hunyo.

Nangangamba si UEFA president Aleksander Ceferin na kapag walang mangyayaring laro sa nalalapit na panahon, mawawala na ng tuluyan ang kasalukuyang football season.

Una rito, halos lahat ng liga sa Europe ay nagsuspinde ng mga game bunsod na rin ng coronavirus pandemic.

Maging ang pinakamalaking Euro 2020 tournament ngayong summer ay inilipat na lamang ang mga laro sa susunod na taon.

Para naman kay Ceferin meron na silang tinitingnan na mga options.

Kabilang aniya ay maglaro ng closed doors.

Nandyan din ang posibilidad na mag-open sa buwan ng Mayo, Hunyo o katapusan ng nasabing buwan.

Sa ngayon kasi meron pang siyam na games na dapat na tapusin ang majority ng Premier League clubs, habang aabot ng hanggang 12 pa sa Football League.

Lahat ngayon ng football events din sa England ay suspindido hanggang April 30.