-- Advertisements --
Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na malapit ng manahimik ang Europa laban sa COVID-19.
Ito ay dahil sa maraming mga bansa ang nagpatupad ng pagpapaluwag na ng COVID-19 restrictions.
Ayon kay WHO Europe Director Hans Kluge na dahil sa mataas na vaccination rates at ang pagtatapos ng winter ganun din ang hindi gaanong makapaminsalang Omicron variant ay malaki ang posibilidad na hindi na magtatala ang Europa ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Kahit na mayroong mataas na kaso ng COVID-19 ang naitala ay hindi naman mataas ang bilang naitatakbo sa pagamutan.
Nanawagan ito sa mga bansa na maigtingin ang kanilang pagpapabakuna laban sa COVID-19.