-- Advertisements --
us cdc

Itinuturing ngayon ng US Center for Disease Control and Prevention (CDC) na ang sentro ngayon ng nasabing coronavirus ay sa Europa.

Sinabi ni Dr. Robert Redfield, director ng US CDC, ang malaking bilang ngayon ng mga kaso ay kadalasan nanggaling sa Europa.

Itinuturing nito na ang Europa ngayon ang siyang bagong China at epicenter ng patuloy na paglobo pa ng bilang ng mga nahawaan ng deadly virus.

“Right now the epicenter – the new China – is Europe,” ani Redfield sa pagharap niya Capitol Hill hearing.

Lumalabas na padami na padami sa ilang mga bansa sa Europa ang kaso ng COVID habang papaunti naman ang naiuulat sa China.

Ang isa sa hard hit ay ang Italy na meron ng 15,113 cases at nasa 1,016 na ang namatay.

Ang Spain ay umabot na sa 86 ang namatay, habang 61 sa France at 10 sa UK.

Samantala sa 35 namang estado na may kaso ng COVID-19 sa Amerika ang mga itinuturong mga pasyente ay bumiyahe sa Europa.

Nauna rito nagdeklara ng travel ban si US President Donald Trump sa mga Europe para hindi kumalat pa ang virus.

Inalmahan ito ng mga EU leaders dahil hindi sila kinonsulta.

Isinara na rin ng mga opisyal ang US Capitol matapos na ang isang staff ng US senator mula sa Washington ay nagpositibo sa virus.

Ayon sa House at Senate Sergeant-at-Arms na limitado lamang ang access sa Capitol.

Papayagan pa ring makapasok ang mga mambabatas, staff at mga bisita na may official business.

Magugunitang inamin ni Democratic Senator Maria Cantwell na nagpositibo sa virus ang isa niyang staff.