-- Advertisements --
Isinusulong ngayon ng European Commission ang paggamit na ng isang uri ng mga charging cables sa lahat ng mga mobile phones at mga devices.
Layon nito ay para mabawasan ang basura dahil sa paghikayat sa mga consumers ng paggamit ng kanilang mga dating chargers.
Lahat aniya dapat ng mga smartphones na ibinebenta sa Europe ay magkaroon ng USB-C chargers.
Kinontra naman ito ng kumpanyang Apple dahil sa ang kanilang ginagamit mula noon pa ay sarili nilang “Lightning” connector.
Sa kasalukuyan ang kanilang mga bagong model ng smartphones ay mayroon ng USB type C cables.
Nakasaad sa nasabing kautusan na maaaring gumamit ng mga type C cables ang mga smartphones, tablets, cameras, headphones, portable speakers at mga handheld video game consoles.