-- Advertisements --
Nilinaw ng European Commission na ang mga European companies ay maari pa rin namang bumili ng Russian gas gamit ang salapi na rubles ng walang nilalabag sa ipinataw na sanctions ng European Union (EU).
Ang abiso ng Commission ay kaugnay sa mga report na ang proseso ay kailangan ang Russian Central Bank na isang paglabag umano sanctions at kung gagamit pa sa pagbayad ang euros/dollars.
Sa dokumento na ipinaabot sa mga bansa na posible pa rin naman daw na ang pagbabayad o energy payment ay susundin ang patakaran ngayon ng Moscow na idaan ang pagbabayad sa Russian currency, na hindi paglabag sa mahigpit na sanctions ng EU.