-- Advertisements --
heatwave

Naitala na ngayong buwan ng Hunyo ang “highest ever recorded temperatures” na inaasahang iinit pa ng husto sa mga susunod na araw sa ilang mga bansa sa Europa.

Una nang nakaranas ang matinding init ng panahon ang mga lugar ng Germany, Poland at Czech Republic.

Ang ilan pang mga bansa tulad ng France at Switzerland ay susunod na ring tatamaan ng heatwave na maaaring umabot sa 40 degrees Celsius (104F) sa Biyernes.

Nagpalabas na rin ng babala ang mga French officials sa mamamayan sa banta sa kalusugan ng naturang lagay ng panahon.

Tinukoy ng mga meteorologists na ang mainit na hangin o European heatwave ay nagmumula raw sa northern Africa.

Kung maipaalala mistulang na-trauma ang France sa nangyaring heatwave noong taong 2003 na isinisisi ang 15,000 namatay.

Sa ngayon ang halos buong bansa ay inilagay na sa orange alert – ang second-highest warning level na ang pinakamataas ay pula.

Ang mga Spanish officials naman ay nagbabala rin “significant risk” sa mga forest fires sa ilang lugar.