-- Advertisements --

Nagsagawa ng emergency summit ang European Leaders sa Paris para pag-usapan ang kapayapaan sa Ukraine.

Sinabi ni United Kingdom Prime Minister Keir Starmer, na mahalaga ang papel ng US sa tuluyang pagpapatigil ng kaguluhan sa Ukraine.

Subalit hindi rin dapat tanggalin ang karapatan ng European Leaders na mamagitan rin sa pag-uusap para matiyak na hindi na aatakihin ng Russia ang Ukraine.

Nakatakda rin nito ng kausapin ng personal si Ukrainian President Volodymyr Zelensky at si US President Donald Trump ukol sa nasabing pagtigil ng kaguluhan sa Ukraine.