-- Advertisements --

Napagkasunduan ng European leaders na bumuo ng Ukraine peace plan na ipipresenta sa Estados Unidos, isang mahalagang hakbang para sa Amerika na makapagbigay ng seguridad sa Ukraine, ayon kay British Prime Minister Keir Starmer. 

Sa isang summit sa London dalawang araw matapos makipagsagupaan ni Volodymyr Zelenskiy kay U.S. President Donald Trump, nagbigay nang malakas na suporta ang mga world leaders kay Ukrainian president at nangako ng suporta upang matulungan ang kanyang bansa.

Ayon kay Starmer, bubuo ang Britain, Ukraine, France at iba pang mga bansa ng isang “coalition of the willing” at gagawa ng kasunduan na ipadadala kay Trump. 

Hindi na pinangalanan pa ni Starmer ang ilan pang mga bansa ngunit maraming sa mga ito ang handang sumali. 

Panahon na aniya para kumilos at magkaisa upang matamo ang kapayaan.