-- Advertisements --
Humanga ang European Medicines Agency (EMA) na may malaking tsansa na magamit na ang COVID-19 vaccine mula sa Pfizer/BioNTech at Moderna.
Ayon kay Emer Cooke ang executive director ng EMA na may malakas na potensiyal na nakakagamot ng coronavirus ang mga bakuna ng nasabing mga kumpanya.
Ibinase nila ito sa data na kanilang nakalap matapos ang clinical trials ng 30,000 na katao.
Inaasahan aniya na matatapos nila ang review ng bakuna sa Disyembre 29 para sa Pfizer/ BioNTech habang sa Enero 12 naman ang Moderna vaccine.
Maari aniyang magbago ang approval decsision depende sa gagawin nilang pag-aaral.