-- Advertisements --
Inaprubahan ng European Medicines Agency ang paggamit ng COVID-19 vaccines ng Moderna para sa mga bata na may edad 12 hanggang 17.
Ito na ang pangalawang bakuna na inaprubahan ng EMA para sa nasabing mga edad dahil noong Mayo ay inaprubahan nila ang paggamit naman ng bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech.
Dahil dito ay umaasa ang European Commission na mapapalawak pa nila ang pagpapabakuna sa mga kabataan gamit ang Moderna.
Bago ito ay nagsagawa ng pag-aaral ang Moderna na kinabiiblangan ng 3,732 na kabataan na may edad 12-17 at lumabas na nagkaroon ng parehas na resulta gaya doon sa isinagawang pag-aaral sa mga may edad 18 pataas.